Sagot :
Explanation:
1. Paglilinis ng tahanan
Ang unang paraan kung paano mapapanatili ang ating kapaligiran ay pagsisimula ng kalinisan sa ating tahanan. Laging tandaan na hindi natin magagawang panatalihin ang kalinisan ng ating kapaligiran kung sa ating tahanan pa lamang ay hindi na natin magawa. Napakasarap manirahan sa malinis at di-kontaminadong kapaligiran kaya gawin natin ang ating sari-sariling tungkulin.
2. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan
Ang tamang pagtatapon ng basura ay isang tungkulin ng bawat mamayanan. Ito ay mahalaga dahil maaari nating maiwasan ang polusyon na makakasira sa atin lalo na sa kapaligiran. Makakatipid sa paggamit ng paulit ulit o re-use. Ang reduce naman ay ang pagbabawas sa pagbili ng mga plastik. At ang huli, ang recycle ay ang paggawa ng bagong materyal gamit ang mga luma o patapong bagay na.
3. Pagtatanim ng mga punongkahoy
Ang pagtatanim ng mga punongkahoy ang pinaka-epektibong paraan kung paano mapipigilan ang pagbaha. At ngayong nananalasa na ang baha at marami nang nasisira, saka lamang lubusang napagtutuunan ng pansin ang pagtatanim ng mga punongkahoy. Wala na umanong mga puno sa mga kabundukan at kagubatan dahil ito ay pinagpuputol-putol na. Oo, may mga naiitanim nga pero ang tanong ay naaalagaan baa ng kanilang mga itinanim? Sayang lamang ang kanilang itinanim dahil hindi naman na ito inaalagaan. Hindi sapat na itanim lang, kailangan ito ng pag-aalaga.
4 Pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapaligiran
Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay magandang paraan kung paano mas mapapaganda ang ating kapaligiran o komunidad. Kinakailangan natin ng pagkakaisa para sa ating komunidad, para sa ating daigdig dahil sa pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ay nagkakaroon ng magandang bunga o resulta. Ipagpatuloy natin ang ating pagkakaisa at paninindigan upang mas mapagtibay ang ating pangangalaga sa ating kapaligiran.