Salita ay Pahalagahan "Lindy," pahiramin mo ako ng limang piso. Wala lamang akong pambayad sa kontribusyon natin," ang pakiusap ni Perla. "Ibibigay ko sa iyo sa Lunes ng umaga ang bayad." "O, heto ang limang piso," ang wika ni Lindy, "saka món a lamang bayaran ang iyong utang kung ikaw ay nakaluluwag na." "Aba, hindi!" ang tanggi ni Perla. "Ang utang ay utang at ito ay dapat bayaran sa takdang araw. Ang sabi ko ay babayaran kita sa Lunes kaya't ito ay dapat kong tupdin."