HEALTH Panuto: Basahin at suriin ang bawat kalagayan. Sabihin kung ito ay epekto ng caffeine, alcohol o nicotine. 1. Madalas uminit ang ulo ni Mang Dado kaya marami ang ilag makisama sa kanya. Pagdadating ng bahay kape agad ang isinasalubong sa kanya ng kanyang maybahay. 2. Nagkaroon ng biglaang trapiko sa kalsada, nagkabungguan ang dalawang sasakyan. Pagdating ng pulis, napag-alaman na parehong nakainom ang mga drayber nito. 3. Hindi na nawalan ng ubo ang mga anak ni Aling Saling. Halos sa gamot na lamang nauubos ang kinikita niya sa pagtitinda subalit pabalik- balik lang ang sakit ng mga ito. Pinayuhan siya ng kapitbahay na sabihan ang asawa niya na limitahan ang paninigarilyo sa kanilang tahanan. 4. Mahilig kumain ng matatamis si Lucy. Paborito niya ang mga imported na tsokolate. Kadalasan softdrinks at keyk ang meryenda niya sa kanilang kantina. 5. Mula ng malugi ang negosyo, nawalang ng direksiyon ang buhay ni Tunying. Natuto siyang tumikim ng alak at halos hindi na siya kumakain sa oras. Naging bisyo na niya ang pag-inom, hanggang sa siya ay magkasakit na naging dahilan ng maaga niyang pagkamatay. [tex]kailangan ko na poito[/tex]