Sagot :
Ang pagmamahal sa bayan ay paraan para maipakita o maipamalas rin natin ang ating pag-ibig sa kapuwa natin at sa likas na yaman ng bansa. Maraming gawain o kaya pagkilos na maaaring gawin para ang pagmamahal ay makita mismo sa ating mga tao. Pero dapat hindi lang tayo puro salita, kailangan may lakip na gawa.
Limang mga gawain na hindi nagpapakita o nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan:
- Kawalang pagrespeto o paggalang sa nasa awtoridad
- Hindi paggamit ng sariling wika
- Walang pakialam sa mga napapanahong isyu na nagaganap sa bansa
- Hindi pagtatangkilik ng produktong sariling atin
- Hindi nagiging masunurin at walang disiplina para sa ikakaunlad ng bansa natin
Pero sa panahon ngayon, marami parin ang hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Binabalewala nila ang mga gawang atin at hindi nila ito pinagmamalaki sa iba at lalong higit sa mga dayuhan. Tandaan natin na ang pagmamahal sa bayan natin ay masasabing isang obligasyon o kaya tungkulin ng bawat Pilipino. Dapat ito laging nakatatak sa puso at isipan natin at hindi ito dapat ikahiya natin. Na kahit sa maliliit na bagay o simpleng paraan ay mahalagang ipakita ang ating pag-ibig sa bayan.
Kaya kung hindi mo ito pinapamalas ngayon, huwag masiraan ng loob at hindi pa ito ang huli ang lahat para maipakita mo ang pagmamahal sa bayan natin. Kailangan lang magbago tayo ng pananaw at saloobin upang magawa natin ito. At alalahanin natin na kapag tayo ay nagpakita ng pagmamahal sa bayan, pinamamalas natin ang pagsasabuhay mismo ng pagkamamayan natin. Kung saan handa tayo na ibahagi sa iba ng mga natututuhan natin, katangian, karunungan, pagkatao at marami pang iba. Likas sa atin ang pagkakaroon ng pag-ibig, kailangan lang natin na paunlarin ito para maisagawa ang bagay na ito.
Nais mo pa bang makapagbasa? Puwede mo pa itong bisitahin:
Sampung paraan upang maipamalas ang iyong pagmamahal sa ating bayan: brainly.ph/question/7375821
Ano ang kahulugan ng pagmamahal sa bayan natin: brainly.ph/question/2539724
Slogan tungkol sa pagmamahal sa bayan: brainly.ph/question/2721639
#BrainlyEveryday