Sagot :
Answer:
''PAGSISIKAP PARA SA TAGUMPAY''
Nais kong magsikap
Upang matupad aking pangarap
Ngunit tila sagabal aking kalagayan
Dahil sa dinaramdam na kahirapan
Akoy isang simpleng mamamayan
Ang bahay ay nsa tabi ng daan
Bahay ay kay liit at laging siksikan
Kahit aking mga magulang sakiy walang pampaaral
Akoy patuloy at patuloy na mag aaral
Papasok sa umaga sa paaralan
At sa gabi naman ay sa tindahan
Sa paaralan akoy laging kinukutya
Sapagkat ako raw ay hampas lupa
Kahit masakit wika nilay diko pinansin
Tanging nasa isip aking pag aaral ay pagbubutihin
At ng dumating araw na inaasam
Sobrang kagalakan aking pakiramdam
Salamat aking mga magulang sa patuloy na paggabay
Sapagkat ito na ng diplomang pinakahinihintay
Na ang aking pagsisikap ay magbunga ng tagumpay
Kayo aking mga magulang ang naging inspirasyon
Upang makamit tagumpay ng tamang panahon
Sertipiko at diploma sa inyo iniaalay
Mahal ko kayo habang akoy nabubuhay
Para sa inyo aking tagumpay