Layunin Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong kasanayan: • Nasusuri ang Heograpiyang Pantao (wika, lahi, pangkat etnolingguwistiko, relihiyon) ng mga sumusunod na kontinente sa daigdig: Timog Amerika, Hilagang Amerika, Europa, Asya, Aprika at Australya. * Napahahalagahan ang kultura ng mga nabanggit na kontinente ng daigdig bilang pagkakakilanlan nito. Ang HEOGRAPIYANG PANTAO o KULTURAL na HEOGRAPIYA ay sumasaklaw sa pag-aaral at pagsusuri ng relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, pulitikal, mga lungsod, populasyon at kultura. Dahil sa lawak ng saklaw ng pag-aaral nito, ang heograpiyang pantao sa daigdig ay walang malinaw na hangganan. Ang mga } kaalaman at gawain sa modyul na ito ay nakasentro lamang sa aspekto ng wika, lahi, pangkat etniko at relihiyon ng mga kontinente.