👤

pa help po sa aral pan
Nonsense/Incomplete =report ​


Pa Help Po Sa Aral PanNonsenseIncomplete Report class=

Sagot :

PANGAKO

Panuto: Bilang isang batang paslit pero mamamayang nagmamalasakit, anong "Pledge of Commitment" ang magiging hamon sa iyo sitwasyong nasabi sa itaas?

PANTULONG NA KAISIPAN:

Sa gawaing ito, bibigyan ko lamang po kayo ng ideya upang malinang ninyo ang kakayahang pangkalahatan.

Mula sa aking pang-unawa, mayroon tayong dapat na pahalagahan at isaalang-alang sa lipunan. Ilan po sa mga iyon ay ang mga sumusunod:

  • Mga puno. Ang mga puno sa kapaligiran ay may napakalaking naitutulong sa atin. Una sa lahat, ang mga ito ay nakapagbibigay ng sariwang hangin; napakikinabangan natin ito dahil nakatutulong ito upang makaiwas sa anumang pagguho at pagbaha. Kaya, marapat lamang na tayo ay magtanim ng mga halaman at puno.

  • Mga kagamitan at makinaryang pang-industriya. Ang mga makinaryang pang-industriya ay nakapagbabawas sa mga gawaing karaniwang ginagawa nang mga ilang oras tulad ng makinang panahi o sewing machine. Ang makinang iyon ay mas napadadali ang ating pagtatahi sa mga damit na sinusuot. Nagagamit rin iyon ng mga mananahi na nagtatrabaho upang kumita ng pera o salapi. Kaya, ang pagpapahalaga sa mga makinarya ay napabubuti ang ating kinalalagyan sa panahong kailangan natin ng agarang paggawa.

  • Mga responsibilidad at tungkulin natin sa moral at ispirituwal na pagpapahalaga. Ang ating tungkulin at responsibilidad sa lahat ng bagay ay talagang dapat nating itaguyod sa lahat ng pagkakataon. Ang mga iyon ay napatitibay ang ating sariling pagkatao lalong-lalo na sa ating moral na tungkulin. Kung ating isasabuhay ang mga natututuhan natin mula sa ating tahanan na siyang layon ng bawat tao at mula sa mga taong naging kasangkapan upang makatulong sa ating mas maayos na pagbabago, makakamit natin ang ating masayang minimithi at ninanais. Sa tulong at pamamagitan ng mga ito ay maganda ang maidudulot sa ating lipunan sapagkat doon tayo nagkakaroon ng naayong pag-iisip para sa ikabubuti ng lahat.

Paalala: Ang aking inilahad sa itaas ay tulong-pangkaisipan lamang. Sa tulong ng mga iyon, mailalapat na natin ang ating mga pangako para sa ating lipunan.

[tex]-------------------[/tex]

SANAYSAY

Panuto: Pumili ng dalawang magkaugnay na paksang nakasulat sa loob ng kahon at gumawa ng makabuluhang sanaysay ukol dito.

KASAGUTAN:

Napiling paksa: Pag-aangat sa pagpapahalagang moral at ispirituwal

      Ang ating lipunan ay may kinahaharap na suliranin. Bagama't ganoon nga ang nangyayri, hindi dapat natin sayangin ang mga pagkakataong makatutulong tayo sa bawat isa. Mayroon pa rin tayong isinasaisip at isinasagawa ng mabuti at maayos. Kabilang na rito ang moral at ispirituwal na pagpapahalaga.

      Ang moral at ispirituwal na pagpapahalaga ay ilan sa values na ating isinasabuhay. Ang mga pagpapahalagang ito ay ang nakatataas sa iba pang pagpapahalaga. Dapat nating maiangat ito sa lahat ng pagkakataon dahil naipagtitibay nito ang ating pakikipag-ugnayan sa isa't isa. Marami ang magagandang naidudulot nito sa ating buhay gaya na lang ng pagkalinaw ng mga usapin o issue sa lipunan. Tayo ay nakapagtatanto ng mga problema sa ibang tao kaya marapat lang na maisip natin ang mga nakatutulong para doon.

      Kaya, kung nais nating mapabuti ang ating kinalalagyan bilang isang mabuti at huwarang mamamayan, huwag na huwag nating kalilimutan ang pagpapahalagang iyon sapagkat magagawa nating matulungan ang ating bansa sa pamamagitan ng mga paraang nakapaloob doon sa pagpapahalaga.

#CarryOnLearning