👤

"Ako'y isang mabuti pilipino"

I. Ako'y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

II. Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at 'di nakikipag-unahan At 'di ako pasiga-siga sa lansangan

III. Bumababa't nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan) 'Di nakahambalang parang walang pakialam Pinagbibigyan kong tumatawid sa kalsada Humihinto ako 'pag ang ilaw ay pula

[chorus]

'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Minamahal ko ang bayan ko

IV. 'Di ako nangongotong o nagbibigay ng

lagay

Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto

At 'di nagtatago sa ilalim ng puno

V. "Di ako nagkakalat ng basura sa

lansangan

'Di ako bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran [repeat chorus]
VI. Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang

Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan 'Di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya'y tumatambay at sa esk'wela'y 'di pumapasok

VII. Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan 'Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan 'Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko'y aking pinahahalagahan

[repeat chorus]

VIII. Ako'y isang tapat at totoong lingkod ng

bayan

Pabor o lagay ay 'di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan 'Di ko binubulsa ang pera ng bayan

IX. Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino

Mga karapatan nila'y kinikilala ko Iginagalang ko ang aking kapuwa tao Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko

[repeat chorus twice]

'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino 'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino 'Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino Ako'y isang Mabuting Pilipino

Nililkha ni: Noel Cabangon

Nasa pic. po yung sasagutan. ​


Akoy Isang Mabuti PilipinoI Akoy Isang Mabuting Pilipino Minamahal Ko Ang Bayan Ko Tinutupad Ko Ang Aking Mga Tungkulin Sinusunod Ko Ang Kanyang Mga Alituntunin class=