👤

Gawain 1. Basa Ko Tukoy Ko!
Panuto: Basahin ang maikling talata tungkol sa isang dokyumentryong pang telebisyon ng
GMA 7, at Reporter's Notebook nina Mackie Pulido at Jiggy Manicad.
Ang Batang Magtatanso at Batang Magbabayuko
Sina Joanna Marie.ll taong gulang at Andrew, 6 na taong gulang ay
itinampok sa Reporter's Notebook na ini-ere noong Marso 2013. Sila ay mga batang sa
halip na nag-aaral ay naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng piraso ng
kable sa basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga ito ay kanilang sinusunog upang
makuha ang tanso. Bagamat pumuputok ang kableng kanilang sinunog ay hindi kinakitaan
ng takot ang batang si Joanna dahil ayon sa kanya ay gagawin niya ang lahat upang
maibigay ang pangangailangan ng kanyang inang biyuda. Ang ganitong gawain ay
tinatawag na extreme risk o isa sa pinakaanganib na child labor sa buong mundo ayon sa
Maplecroft.
Samantala, noong buwan ng Agosto ng nasabi ring taon ay isa pang
dokumentaryong kahawig ng mga batang magtatanso ang ipinalabas sa Reporter's
Notebook, ito ay ang mga Batang Magbabayuko. Sila ay mga batang naghahanap ng mga
malalaking susong tinatawag na bayuko sa kabundukan sa halip na nag-aaral o pumapasok
sa paaralan. Sila ay sina John Paul, Ronald, Gaspar at Enteng mga batang taga Daraitan,
Tanay, Rizal. Halos maghapon silang naghahanap ng bayuko sa bundok kaya't
pinagbabaon na sila ng pagkain ng kanilang mga magulang. Ito ay kanilang ibinebenta ng
tatlong piso hanggang limampiso bawat isa kung saan ay kumikita sila ng tatlumpu
hanggang isandaang piso sa isang araw.

Mga tanong:
1.Ano ang nararamdaman mo nang iyong mabasa ang ulat?

2.Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan gagawin morin ba ang kanilang ginawa?

3.Paano kaya matutulungan lalo na ng pamahalaan ang mga batang katulad nila?


Pasagot ng tama at matino



#PukèTzy​