B. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang tamang sagot sa patlang. 1. Ito ay sangkap ng tula na may nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw, at saloobin na nais iparating ng tula.
2. Ito ay ang bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
3. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog
4. Ito ay tumutukoy sa maririkit na salita upang umakit o pumukaw sa damdamin at kawillhan ng mga mambabasa.
5. Ito ay tumutukoy sa tauhang nagsasalita sa tula.
6. Ito ay sangkap ng tula kung saan ang mga salita ay may itinatagong kahulugan.
7. Ito ay tumutukoy sa damdaming nakapaloob sa tula.
8. Ito ay tumutukoy sa mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
9. Ito ay tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.
10. Ito ay isang anyo o uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao.