👤

Ibat ibang uri ng pang-uri

Sagot :

Answer:

1. Pang-uring Panlarawan - Nagsasaad ito ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog,  at hugis.

Halimbawa - Kulay Itim ang buhok ni Juan.

2. Pang-uring Pantangi -  Binubuo ito ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang pantangi na nagsisimula sa malaking titik ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.

Halimbawa - May kaibigan akong lalaking Tsino.

3. Pang-uring Pamilang - Nagsasabi ito ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa - Lima ang kanyang bola.