👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Sa Cebu
Ni Gng. Joy C. Reverente
Nagkayayaan ang magkapatid na Shie at Ram na magpunta sa Cebu. Nalaman kasi nila ang mga
magagandang lugar dito. Kaya naman pinaghandaan nila ito. Dumating ang araw ng pagbisita nila sa
Cebu. Pagdating pa lamang ay sinalubong sila ng ngiti ng mga tao. Hindi nila inaksaya ang oras, agad na
nilibot ang Cebu. Laking tuwa nila nang marating ang Sirao Garden. Napakaganda ng tanawin. Punong-
puno ng mga sariwang halaman at bulaklak. Pinuntahan din nila ang Magellan's Cross. Pumasok sila sa
Basilica de Sto. Niño at nanalangin. Hindi rin nila nalimutan tikman ang mga ipinagmamalaki ng mga
Cebuano...lalo na ang Lechon Cebu na talaga namang napakasarap. Marami pang lugar na pinuntahan
ang magkapatid na nagbigay sa kanila ng mga bagong alaala.
Tanong:
1. Sino ang magkapatid sa kwento?
2. Ano ang kanilang ginawa?
3. Ano-ano ang kanilang naging karanasan sa lugar na kanilang pinuntahan?
4. Nakasama mo na rin ba ang iyong kapatid sa isang paglalakbay? 5. Ano-ano ang inyong nagging
karanasan?​


Sagot :

Answer:

1.SILA SHIE AT RAM

2. Hindi sila nagsayang ng oras at agad nilang nilibot ang buong cebu

3.Sila ay naging masaya sa kanilang paglalakbay natikman nila ang mga ipinagmalaki ng mga taga cebu.

4.Oo

5.Masaya kami nilibot namin ang aming pinuntahan at iyon ang aming ala ala sa batanggas

Explanation:

Correct me if im wrong

hope it helps

pa follow na din po