Sagot :
Ang imprastraktura ay tumutukoy sa mga estrukturang mahalaga sa pag-unlad ng bansa tulad ng mga kalsada, tulay, riles ng tren, paliparan at daungan ng mga barko. May ilang mahahalagang programang pang-imprastraktura na kasalukuyang pinauunlad ng pamahalaan tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapalit ng mga bagong tren, pagbubuo ng mga daluyan ng tubig at marami pang iba.