👤

I. Panuto: Salungguhitan ang panghalip na ginamit at ikahon ang salitang pinalitan. Tukuyin
kung ito ay anaporik o kataporik.
1. Bumili kami ng saging, dinala namin iyon sa maysakit.
2. Ang panitikan ay gumagabay, nagbibigay-liwanag at nagdudulot ng walang hanggang
kahalagahan na lilinang sa pag-uugali ng isang nilalang. Ito ay isang importanteng bahagi ng
ating kasaysayan
3. Tanging maipamamana ng mahihirap na magulang ang edukasyon o karunungan sa
kanilang mga anak. Ito ang magiging daan upang sila'y aasenso sa buhay.
4. Bumili siya ng puso ng saging na isasahog sana sa kanyang nilulutong putahe. Ito ang
magbibigay lasa sa kanyang uulamin mamaya.
5. Naging dahilan ito ng maagang pagsasara ng klase noong nakaraang taong-pampaaralan.
Ito ay ang nakakatakot na sakit na Covid-19.
6. Ang mansanas ay isang masustansyang prutas. Ito ay kinakain, nilalagay sa salad, at
ginagawang juice
7. Talagang nakakatakot pagmasdan ang nilalang ito. Ang baboy-ramo ay napakalaki at may
mabagsik na kinang sa kanyang mata.
8. Ang cake na ito ay masarap at ubod nang tamis. Ito ay ginawa ng isang tanyag na chef.
9. Walang makakapagsabi kung talagang totoo o hindi ang bagay na ito. Ang UFO ay hindi
basta-bastang nakikita o namamasdan.
10. Tumpak nanaman ang sagot ni Henri. Siya ang pinakamatalino sa aming klase.​