Sagot :
Answer:
Tuwing may makikita kayong mga bata na naghihirap, nakatira sa slum areas, nagugutom at nag-iisa, huwag ninyo silang ipagwalang-bahala. Bigyan ninyo sila ng pansin at tulungan. Ito ay naunawaan ni Efren Penaflorida, Jr. dahil minsang naging ganoon din siya – nakatira sa open dumpsite, naglalaro sa imbakan ng basura kung saan marumi, mabaho at ang mga bata ay nagugutom, nahihirapan at halos hindi nakakapag-aral. Lumaki siyang mahirap at minsang naranasan ding ma-bully ng ibang bata. Subalit hindi naging hadlang ang mga pangyayaring ito sa kanyang buhay upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ito ang nagtulak sa kanya upang tumulong at magkawanggawa sa mga kabataan.