Sagot :
Answer:
Pang-angkop at mga Halimbawa
Kahulugan ng Pang-angkop
Pang-angkop -ay ang mga katagang nagdudugtong o nag-uugnay sa mga magkakasunod na salita upang makabuo ng makatwirang pangungusap. Ginagamit ang mga pang-angkop upang mapadali o mapagaan ang pagbigkas sa mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika.
Kahulugan ng pang-angkop brainly.ph/question/188412
3 Uri ng Pang-angkop
May 3 uri ng pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita, ito ay ang mga katagang "na", "ng" at "g".
Pang-angkop na ''na''
Ang pang-angkop na ''na'' ay nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N. Sinusulat ito na magkahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''na'' sa Pangungusap
Ang malinis na hangarin sa kapwa ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.
Lumalim ang kanilang samahan na nagsimula noong sila ay musmus pa.
Matagal na panahon ang kanyang ginugol bago niya nakamit ang pangarap sa kanyang pamilya.
Pang-angkop na ''ng''
Ang Pang-angkop na ''ng'' ay nag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''ng'' sa Pangungusap
Ang malaking balakid sa pag-unlad ng Pilipinas ay kahirapan at katiwalian ng mga ilang opisyal ng gobyerno.
Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.
Lumang-luma na ang kanyang sapatos sa kagagamit araw-araw.
Pang-angkop na ''g''
Ang Pang-angkop na ''g'' ay ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n. Ang pang-angkop na ito ay karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''g'' sa Pangungusap
1Ang masunuring anak ay kinagigiliwan ng mga magulang.
2Lahat ng bibilhin ay makikita sa pamilihang bayan.
3Halamang gamot ang kailangan sa kanyang sugat upang gumaling agad.