PAUNANG PAGSUBOK A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang FACT kung ito ay nagsasaad ng pagmamahal sa Diyos at isulat naman BLUFF kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Paunlarin ang sarili sa maayos at legal na paraan. 2. Maging matulungin at mapagpatawad sa sa kapwa sa harap ng midya. 3. Patatagin ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng pagdadasal at pagasasabuhay ng kanyang mga salita. 4. Pakikisali sa usapan tungkol sa buhay ng isang kapitbahay pagkagaling sa simbahan. 5. Pagtulong sa kapwa na nangangailangan dahil malapit na ang eleksiyon 6. Iniisip ang pansariling kapakanan bago ang ibang tao. 7. Mahalin ang kapwa lalo na kung may makukuhang kapalit. 8. Handang magtiis para sa kabutihan ng nakararami. 9. Pagsunod sa utos ng Diyos 10.Pagmamahal sa kapwa katulad ng pagmamahal sa sarili.