15 minuta 3. Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Sagutin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng legend kung saan lugar sumibol ang nasyonalismo. Isulat ang iyong tugon sa sagutang papel. Legend: EU = Europe AS = Asia AF = Africa 1. Ikalawang pakikibaka ay sumiklab noong 1896 nang ilunsad ang KKK (himagsikang samahan) na pinangunahan ni Andres Bonifacio (Supremo ng Katipunan). Layunin ng kilusang ito na patalsikin ang mga Espanyol sa Pilipinas at makamit ang ganap na kasarinlan. 2. Ang Rebelyong Taiping (1850-1864) ay pinasimulan ni Hung Hsiu-Chuan. Ninais niyang mapalaganap ang kapayapaan sa China sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Itinaguyod niya ang mga ideya ng kapatiran, komyunal na pag-aari, at pagkakapantay-pantay ng kasarian. . _3. Noong 1821, nag-alsa ang Greece laban sa Ottoman Turk. Noong 1827 nakialam ang Great Britain, Russia, at France upang palayain ang Greece mula sa mga Turk na kanilang natalo noong 1829. 4. Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo at Algeria. 5. Ang Germany ay binubuo ng magkakahiwalay na estado na nasa ilalim ng pamumuno ng Austria. Sa ganitong konteksto, nabuo ang Burschenschaften, isang radikal na kilusan na ang layunin ay magkaroon ng pagkakaisa at nasyonalismong German, Panuto: Buuin ang konsepto batay sa iyong natutunan at saloobin. Isulat ang 15 minuto