Sa iyong sagutang papel ay sagutin ang pagtataya. Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag. 1. Gumagamit ang manunulat ng mga hudyat upang magabayan
ang mambabasa sa tinatakbo ng mga pangyayari sa kuwento. 2. Kung pangkalahatang hahatin natin ang kuwento sa simula, gitna at wakas, may mga pariralang angkop lamang sa tiyak na bahagi. 3. Madalas kronolohikal o batay sa kung alin ang unang naganap ang ginagawang paraan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 4. May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag uugnayan sa iba't ibang bahagi ng pahayag.
5. Ang mga pananda ay may ginagampanang tungkulin gaya ng pagbibigay-pokus at pagbibigay hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga kilos/pangyayari.