Answer:
Explanation:
Ang Alintuntunin ng mga Karapatang Pantao sa Ontario [Ontario Human Rights Code] (ang Alintuntunin) ay nagbibigay ng pantay na karapatan at opporunidad, at kalayaan mula sa diskriminasyon. Kinikilala ng Alintuntunin ang karangalan at kahalagahan ng bawat tao sa Ontario. Ito’y umaaplay sa mga lugar ng pagtratrabaho, pabahay, mga pasilidad at mga serbisyo, mga kontrata, at pagiging miyembro sa mga unyon, samahan ng trabaho at bokasyonal. Sa ilalim ng Alintuntunin, ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig. Hindi ka dapat tratuhin nang naiiba dahil sa iyong lahi o ibang dahilan, tulad ng iyong mga ninuno, kulay, lugar na pinanggalingan, etnikong pinanggalingan, mamamayan, o paniniwala. Ito’y umaaplay sa mga sakop ng Alintuntunin tulad ng sa trabaho, sa eskwelahan, sa mga inuupahang pabahay, o sa mga serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang mga lugar tulad ng mga tindahan at mga mall, mga hotel, mga ospital, mga lugar ng libangan, at mga eskwelahan.