Panuto:Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang M kung to ay nagpapakita ng kahalagahan sa mga ginawa ng mga katutubong pilipino at HM kung ito hindi nagpapakita ng kahalagahan. 1. Ikuwento sa mga bata ang kadakilaan ng mga katutubong Pilipino 2. Huwag pakialaman ang mga ginawa ng mga katutubo dahil tapos na. 3. Gumawa ng sariling kuwento ukol sa pakikidigma ng mga katutubo. 4. Purihin ang ginawang kadakilaan ng mga katutubong Pilipino 5. Basahin ang kagitingan ng mga katutubong Moro. 6. Gawan ng nakakatawang drowing ang mga katutubo na nakikipaglaban sa Espanyol. 7. Ipagwalang bahala ang mga ginawa ng mga katutubong Pilipino. 8. Huwag maniwala sa ipinakita ng mga Muslim na pakikipaglaban. 9. Igalang ang mga katutubong Pilipino sa kanilang kadakilaan. 10. Huwag ipaalam sa mga katulad na bata ang tungkol sa kadakilaan ng katutubo. 11. Gawan ng makapanirang kuwento ang mga katutubong Pilipino. 12. Pahalagahan ang kadakilaang ipinakita ng mga katutubo. 13. Tanggapin ang prinsipyo o paniniwala ng mga katutubo upang mapanatili ang kanilang kalayaan. 14. Tularan ang katapangang ipinakita ng mga katutubo 15. Gawing kapaki-pakinabang ang mga ginawa ng mga katutubo para sa bansa