4. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales na magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong suporta? A. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay. B. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong. C. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay. 5. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging sanhi ng pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito maipararating sa kinauukulan? A. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa. B. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari. C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.