👤

ano ba ang binukot at babaylan?​

Sagot :

Answer:

Ang binúkot ay isang babae na itinago at ikinulong sa isang madilim na silid ng bahay. Hindi ito pinapaarawan, at hindi rin pinapatapak sa lupa dahil tinuturing itong sagrado, at halos mistikal. Sa mga pag-aaral at panananliksik ni Dr. Alica Magos, napag-alaman na ang binukot ay bahagi ng kultura at kaugalian ng mga Panay Sulodnon, Panayanon-Sulod o Panay Bukidnon, isang pangkating kultural sa kabundukan ng Panay, sa Tapaz, Calinog, at Lambunao sa Iloilo at Capiz. Ang katagang ‘binukot’ ay nanggaling sa salitâng na “bukot” na ang ibig sabihin ay “itago o ikubli.”

Explanation: