Sagot :
Answer:
Interaskyon ng Demand at Supply
Ang terminong Equilibrium ay ginagamit upang ilarawan ang estado ng merkado sa pagbalanse ng supply at demand. Kung ang demand at supply ay mayroong balanseng estado, nagkakaron ng matatag na presyo ng mga bilihin. Subalit kung mas tataas ang bilang ng supply ng isang produkto o kalakal, maaari itong magdulot ng pagbagsak ng presyo kung saan kinakailangang tumaas rin ang demand upang hindi masayang ang mga produkto. Kung ang supply naman ay bumaba, at tumaas ang demand nito sa merkado, maaaring tumaas ang presyo ng bilihin.