👤

_______1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paksa o suliraning panlipunan na tinalakay sa akda? *
A. kataksilan o infedility
B. kawalan ng “due process” sa hustisya
C. kahirapan o poverty
D. power tripping o paggamit ng posisyon para manaig ang sariling kagustuhan
_______2. “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” Anong ipinahihiwatig na katangian ng nagsasalita? *
A. maawain
B. matulungin
C. mapagpasensya
D. mapagsamantala
_______3. Sumigaw ang Cadi na nagsasabing “bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat naman sila ay nakakulong?” Batay sa pahayag ng tauhan, anong katotohanan sa sitwasyon sa isang bilangguan sumasalamin dito? *
A. riot o away ng mga bilanggo
B. kakulangan sa pasilidad
C. kakulangan sa pagkain
D. kakulangan sa kaalaman
_______4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan kung bakit ibig iwasan ng mga tauhang may mataas na posisyon sa lipunan ang tsismis bunsod ng kanilang ginawa? *
A. maprotektahan ang dangal ng babaeng may-ari ng bahay
B. huwag silang maging katawa-tawa sa mata ng taum-bayan
C. huwag madungisan ang dangal ng kanilang pangalan at posisyon
D. huwag maalis sa kanilang posisyon dulot ng iskandalo
_______5. “Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Sa eksenang ito sa akda, ano ang pinakaangkop na kasabihan? *
A. Daig ng masipag ang maagap
B. Kung ano ang itinanim, ‘yun din ang aanihin
C. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala
D. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din
______6. Sa sitwasyong binanggit sa bilang 5, ano ang pinakaangkop na katangiang taglay ng babae? *
A. tuso
B. mapanlamang
C. mautak
D. malupit
______7. Anong pagnanasa o udyok ang nangibabaw sa limang kalalakihan sa akda? *
A. sa kapangyarihan
B. kataksilan
C. pangangailangan
D. sa laman/kamunduhan
______8. Anong transpormasyon pangkatauhan ang naganap sa limang kalalakihan sa akda? *
A. natauhan at napahiya sa kanilang mga sarili
B. nagalit dahil naisahan sila ng isang hamak na babae
C. natawa na pare-pareho silang naloko ng babae
D. nagsisi sa kanilang ginawa
______9. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa kasalukuyan ang maiiugnay sa pangyayari sa akda partikular sa ikinilos ng mga hepe, Cadi, Vizier at hari? *
A. “Pastillas” modus-pagkuha ng malaking kickback ng mga immigration officials sa Bureau of Immigration(Inquirer.Net)
B. 15 Bilyon na korapsyon sa Philhealth(cnnphilippines.com)
C. palit-puri (kama o kulong?)- lalo itong naging talamak ang ganitong kalakaran (pakikipagtalik kapalit ng saring kalayaan o ng kaanak) sa pagpapatupad ng “War Against Drugs Ni Pang. Duterte (Inquirer.Net)
D. Pagbasura sa kasong Plunder o Pandarambong nina Former Pres. Arroyo, Senator Revilla at Senator Estrada (Rappler)
_____10. Alin sa mga pangungusap o pahayag ang nagpapakita na napagtagumpayan ng pangunahing tauhan ang malalakas na pwersa sa lipunan? *
A. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya.
B. Napagtanto ng limang lalaki na sila ay nautakan ng isang babae.
C. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot.
D. Sumigaw ang Cadi na huwag silang sunugin. Nagkunwari siyang genie, nagsalita ng mensahe galing sa Qur’an