1. Ang kasiglahan ng ekonomiya ay nasusukat gamit ang mga leading economic indicators ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA. Ang madalas ginagamit sa pagsukat ay ang Gross National Income (GNI). Ano ang GNI? A. Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan (Pilipino sa loob at labas) ng isang bansa sa loob ng isang taon. B. Kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa ng mga tao (dayuhan at mamamayan) sa loob ng isang bansa sa loob ng isang taon. C. Kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o basehang taon. D. Kabuuang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.