👤

summary of kabanata 46 ang sabung noli me tangere

Sagot :

Answer:

Ang kabanatang ito ay tungkol sa isang lugar na madalas pinupuntahan ng mga kalalakihan, ang sabungan. Ang unang bahagi ng kabanata ay paglalarawan sa pisikal na anyo ng sabungan. Ang sabungan ay may tatlong bahagi: ang pasukan na binabantayan ng mga kababaihan, ang gitnang bahagi kung saan ginaganap ang sultada at ang pustahan. Sa ruweda kung saan mismo ginaganap ang sultada ay makikita ang mga taong matataas ang tungkulin, mayayaman, tahur, at sentensyador. Sa isang banda nito ay matatagpuan naman ang mga magtatari at ang mga may hawak ng pusta at nakikipagkasundo.

Naroroon sa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Si Kapitan Basilio ay nagtanong tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan Tiyago habang papasok ito sa sabungan na kasunod ang dalawang alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking puting tinali. Bulik naman ang manok ni Kapitan Basilio. Kinumusta ni Kapitan Basilio si Maria Clara, at pagkatapos ay naghanda na sila para sa pagsasabong ng bulik at ng lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman ang puti.

Naroroon din ang magkapatid na Bruno at Tarsilo na nagkasundong humiram ng perang pansabong kay Lucas. Sinabi ni Lucas ang kondisyon niya sa pagpapahiram ng salapi ngunit tinutulan ito ng dalawang binata. Hindi nila gustong maging tulisan sapagkat mayroon pa silang nakababatang kapatid na babae. Nagsimula na ang salpukan ng dalawang manok at nanalo ang lasak. Natukso ang magkapatid na sumugal at tinanggap din ang alok ni Lucas. Sila ay binigyan ng tatlumpung piso bawat isa kapalit ng pagsalakay sa kuwartel at bibigyan pa ng sampung piso sa tuwing makapagsasama ng iba pa. Ang lahat ng kanilang maisasama ay bibigyan ng isandaang piso samantalang sila naman ay dalawandaan bawat isa kapag nagtagumpay ang naturang paglusob. Bago maghiwa – hiwalay ay binilinan ni Lucas ang dalawa na makipagkita sa kanya sa libingan pagkatapos ng dalawang araw.

Explanation:

hope it helps