Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pahayag at Mali naman kung hindi ito wasto. 1. Tinawag na “Ama ng patakarang Pilipino Muna” si Diosdado Macapagal. 2. Binansagang "Batang Lubao: si Pangulong Macapagal sapagkat sa lugar na iyon siya lumaki at ipinanganak. 3. Nilagdaan nina Pangulong Macapagal, Pangulong SUkrano ng Indonesia, at Tungku Abdul Rahman ng Malaysia ang isang kasunduang nagtatag sa MAPHILINDO. 4. Si Macapagal ang ikasampung Pangulo ng Pilipinas. 5. Inilipat ni Pangulong Macapagal ang petsa ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, mula Hulyo 4 ay ginawa itong Hunyo 12. 6. Tinalo ni Pangalawang Pangulong Diosdado P. Macapagal si Pangulong Garcia. 7. Ipinagtibay noong Agosto 8, 1963 ang Agricultural Land Reform Code of 1963. 8. Ipinalaganap din ni Pangulong Macapagal ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa anumang opisyal na dokumento. 9. Layunin ng batas Agricultural Land Reform Code of 1963 ang hindi pagbenta sa mahihirap na magsasaka sa pamamaraang hindi nila kayang bayaran. 10. Ang Philippine National Railways ang namamahala sa cottage industry ng bansa