👤

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap na nakapaloob dito at pagtuunan
ng pansin ang mensaheng inihatid ng akda.
ANG PAMAHALAANG SULTANATO
Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon nang maliliit na pamayanang tinatawag na banwa
sa Sulu Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga datu o raha
Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta sa Sulu. Noong lumaon pinakasalan niya si
Paramisuli na anak ni Raha Baginda. Nang mamatay si Raha Baginda, si Abu Bakr ang humalili sa kanya bilang
raha. Sa pamumuno niya, pinag-isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu
Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng isang sultan
Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu.
Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya ang punong tagapagpaganap.
hukom, taga-pagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mga mandirigma.
Dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan ng isang sultan, siya at tinutulungan ng ruma bichara, kadi.
ulama, panglima, pandita at imam
Ang ruma bichara ay isang lupon ng tagapayo na binubuo ng raha muda o tagapagmana ng sultan,
maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng sultan, mga datung mayayaman at makapangyarihan, shanif at
iba pang taong iginagalang. Tinatalakay at pinagpapasyahan ng lupon ang mga bagay na may kinalaman sa batas,
pananalapi at pangangalakal.
Ang kadi ay isang tao na nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran at tinitiyak niya na hindi labag
sa aral ng Islam ang mga batas.
Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon
Ang panglima ay mga pinunong tagapaganap ng Sultan o tagapagpatupad ng mga batas na pinagtibay na
sa mga masjid o distrito. Sila ang may kapangyarihang maningil ng buwis.
Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima
Ang imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng mga distrito. Nagtagumpay ang sultanato
ng Sulu upang pag-isahin ang iba't-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao. Nasa
ilalim ng pangangasiwa ng sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi, Basilan, dulong timog ng Zamboanga, Palawan at
Sabah na nasa dulong hilaga ng Malaysia. Tumagal ng limang dantaon ang sultanatong ito.
Noong 1475, dumaong sa Cotabato ang misyonaryong Sharif Kabungsuan, mula sa Johare, Malaysia
Napangasawa niya ang isang prinsesa ng Cotabato. Siya ang unang sultan ng Maguindanao
Kasabay ng pagtatag ng mga sultanato ang paglaganap ng relihiyong Islam. Ang pamahalaan ay naging
sentralisado at matatag dahil sa pangangasiwa ng isang makapangyarihang pinuno. Napagbuklod-buklod ang
hiwa-hiwalay na barangay tungo sa pagkakaisa​