👤

Bilugan ang angkop na salitang may panlapi upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Ang magkaibigan ay (nakipaglaban,makipaglaban,makikipaglaban) sa mga taong nag-aabuso sa kanila kahapon.

2. Napagpasyahan ng hukuman na (magkulong,ipakulong,kumulong) ang salarin.

3. Sinubok ng mga akusado na (makipagkasundo, magsipagkasundo, ipagkasundo) sa mga nagdemanda sa kanila.

4. (Ipalalabas,Ipalalabasin,Mapapalabasin) sa telebisyon ang aktuwal na pangyayari sa korte.

5. Nais niyang (makipagdama, makadama, maipadama)sa kaibigan ang kanyang pakikiisa.

6. Ang maykapangyarihan ay muling (magpapagawa, magsasagawa, maigagawa)ng pagsusuri sa kaso.

7. (Tumayong, Maitatayong, Makatayong) saksi ang halos lahat ng kabataan sa kagustuhan nilang maayos na ang lahat.

8. Nagkaisa ang mga mamamayan na muling (ipatupad, maitupad, makatupad)ang batas para sa kapayapaan at kaayusan ng Baranggay Bagsak.

9. Ang lahat ay (magpakilos, kilusan, kumilos)upang maagang maisakatuparan ang hangin.

10. (Sumalamat, Pasalamatan, Magpasalamat) tayong lahat sa Panginoon, nagtagumpay tayo sa tulong Niya.


Sagot :

Answer

1. Nakipaglaban

2. Ipakulong

3.Makipagsundo

4. Ipalalabas

5. Maipadama

6. Magpapagawa

7. Tumayong

8. Ipatupad

9. Kumilos

10. Magpasalamat

Edges7gsm

Answer:

1. nakipaglaban

2. ipakulong

3. makipagkasundo

4. ipapalabas

5. maipadama

6. magsasagawa

7. tumayong

8. ipatupad

9. kumilos

10. magpasalamat

Explanation:

sna makatulong po