I-PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik lamang ng sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Ano ang dalawang salitang magkaiba ngunit pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin? a. Denotasyon b. Kasalungat c. Kasingkahulugan d. Konotasyon 2. Ito ang katawagan sa literal na kahulugan ng salita o kahulugang mula sa diksiyonaryo a. Denotasyon b. Konotasyon c. Kasalungat d. Kontekstuwal 3. Ito ang kabaligtaran ng kasingkahulugan ng isang salita. a. Denotasyon b. Kasalungat c. Konotasyon d. Kontekstuwal 4. Alin sa mga salita sa ibaba ang naiiba ang kahulugan? a.hangarin b.layunin c. naisin d.panaginip 5. Humahangos na nilapitan ni Mangita ang matandang nasaktan. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan? a.nanghihina b.mabilis c.dahan-dahan d.napapagod 6. Ang bulaklak ay namumukadkad. Kung ang ibig sabihin ng "bulaklak” sa pangungusap ay bahagi ng halaman, anong uri ng pagbibigay-kahulugan ito? a.denotasyon b.konotasyon c.kasingkahulugan d.kasalungat