👤

maraming pilipino ang nagkaroon ng hanap buhay pagkatapos ng ikalawang Digmaan​

Sagot :

Answer:

Mga dalawang dekada pa lamang pagkakatapos ng unang digmaang pandaigdig, isa naming digmaan ang sumabog- ang digmaan na itinuring na pinakamadugo sa kasaysayan ng tao

. Ang daan tungo sa digmaan • Itinatag ang kasunduang Versailles ng Liga ng mga Bansa, ang pinangarap ni Pangulong Wilson na tanging pag-asa pang makamit and pandaigdigang kapayapaan. • Nagtalaga ang Liga ng sistemang “mandate” upang mabigyan ng kasanayan ang mga kolonya tungo sa kanilang pagsasarili. • Mandate >ay ang pagpapasailalim sa ibang bansa o sa bansa na naghahanda na maging isang Malaya at nagsasariling bansa sa patnubay ng isang makapangyarihan o mayamang bansa. • May 60 bansang kasapi sa liga, nanatili itong mahina dahil sa kawalan nito ng kapangyarihan na maisakatuparan angkanyang desisyon. • Ang mga lider ng daigdig ay nagdaos ng iba’t-ibang kumperensiyaupang pag-usapan ang pag-didisarma at pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo. • KELLOGG-BRIAND PACT >1928 >Nakasaad na ang digmaan ay “hindi maaring gamitin na pambansang patakaran,” at ito ay nilagdaan ng halos lahat ng bansa sa daigdig. >Walang parusa sa mga bansang lumabag sa pangako. >Isang maliit na hakbang tungo sa kapayapaan.

Agresyon ng mga Pasista • Naging mapait ang karanasan ng Germany sa kasundung Versailles. Tinanggalan ng armas ang bansa. Ang kanyang mga kolonya ay nawala at pinagbayad pa ng malaking halaga, kaya’t sinikap ng gobyernong Weimar ng Germany na baguhin ang nilalaman ng Kasunduang Versailles sa pamamagitan ng diplomasya. • Adolf Hitler >1930 >Nangako siyang sisirain niya ang kasunduang Versailles. >Unanga hakbang niya ay ang pagpapanumbalik sa kapangyarihang Aleman sa pamamagitan ng muling pagtatayo ng puwersang militar

Taong 1935 • Ipinahayag ng Germany na siya ay magtatayo ng hukbo na binubuo ng 550,000 tao. • Kinindema ng France at Britain ang muling pag-aarmas ng Germany sapagkat ito ay tahasang paglabag sa Kasunduang Versailles. • Sinalakay ni Benito Mussolini ang Ethiopia, isang nagsasariling kaharian ng Africa na lumaban sa mga naunang pananalakay ng Italy.

Pasismo • Isang ideolohiya o paniniwalang nagbibigay-diin sa nasyonalismo at pagsusulong sa karapatan at kagalingan ng estado kaysa kagalingan ng mga mamamayan. • Ang Pasistang Italy ay nagtatag ng kanyang hukbo.

Explanation:

sanamakatulong :)