LINGGO V. Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang mga pangatnig na ginamit sa bawat pahayag. 1. Madaling maimpluwensiyahan ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa, samakatuwid, lagi na lamang sunud-sunuran ang mga bansang ito sa bawat naisin ng mga bansang imperyalista. 2. Mayaman man o maliit na bansa ay maaaring masakop kung hindi magkakaisa ang mga mamamayan nito sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan. 3. Sakaling may magtangkang muli na lupigin ang Pilipinas ay hindi na sila magta-tagumpay. 4. Dahil muli at muling lalaban ang mga Pilipino sa pagtatanggol sa Inang-bayang Pilipinas. 5. Bagama't maraming mga Pilipino ang nabibighaning mandayuhan sa ibang bansa, marami pa rin sa kanila ang bumabalik dito.