👤

Gawain 2
WAIN2
Paglalapat
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang bold sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang at saka ito
ay gamitin sa makabuluhang pangungusap.
1. Si Jesse ay ikatlo sa limang supling ng mag-asawang Jose Robredo at Marcelina Manalastas
Kahulugan:
Pangungusap
2. Siya ay isa sa mga delegado ng bansa sa mga pandaigdigang kumperensiya.
Kahulugan
Pangungusap
3. Isang pari ang humikayat sa kanya upang mahalin, isipin, at pag-aralan ang Bikol. .
Kahulugan:
Pangungusap:
4. Kahit ang mga oposisyon ay iginagalang ang kanyang mga desisyon.
Kahulugan:
Pangungusap:
5. Umusbong ang kanyang interes pampolitika nang mabaril si Benigno Aquino Jr.
Kahulugan:
Pangungusap​


Sagot :

Answer:

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang bold sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang at saka ito ay gamitin sa makabuluhang pangungusap.

1.) Si Jesse ay ikatlo sa limang supling ng mag-asawang Jose Robredo at Marcelina Manalastas.

  • Kahulugan : Anak

  • Pangungusap : Biniyayaan ang mag asawang Jose Robredo at Marcelina Manalastas ng limang supling na magtataguyod sa kanilang paghihirap.

2.) Siya ay isa sa mga delegado ng bansa sa mga pandaigdigang kumperensiya.

  • Kahulugan : Isang tao na ipinadala o kaya'y may pahintulot na syang kumatawan para sa ibang tao.

  • Pangungusap : Inaanyayahan kitang mahing delegado para sa pagpupulong ngayong taon.

3.) Isang pari ang humikayat sa kanya upang mahalin, isipin at pag-aaralan ang Bikol.

  • Kahulugan Nagyaya o Nangaaya

  • Pangungusap: Hinikayat ako ng aking pinsan na dumalo sa kaniyang kaarawan.

4.) Kahit ang mga oposisyon ay iginagalang ang kaniyang mga desisyon.

  • Kahulugan Isang katunggali, kalaban, o karibal ng isang tao sa paligsahan, palakasan o labanan.

  • Pangungusap : Ang mga oposisyon sa pamahalaan ay karaniwang itunuturing na kalaban.

5.) Umusbong ang kaniyang interes pampolitika nang mabaril si Benigno Aquino Jr.

  • Kahulugan: Sumibol

  • Pangungusap: Umusbong ang mga pananim ng aking lola.

Hope it Helps

#Carry on Learning