👤

Bilang isang mag-aaral ano ang maaari mong gawin na nagpapakita ng iyong pagiging nasyonalista. Ipaliwanag ang iyong sagot.​

Sagot :

Answer:

bilang isang mag aaral ang aking gagawin upang mapakita ko ang aking pagiging nasyonalista ay tutulong ako sa bayan sa abot ng aking makakaya upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating bansa.

Answer:

Paano maipapakita ang pagiging isang Nasyonalismo

Maipapakita ng bawat isa ang pagigigng nasyonalismo sa bansa sa posibleng iba't-ibang paraan ngunit ang hangarin na diwa at kaisipan ng nasyonalismo ay iisa pa rin gaya ng mga sumusunod:

Maipapakita ang pagmamamhal sa bayan sa pamamagitan ng pagiging isang disiplinadong mamamayan. Sumunod sa lahat ng uri ng batas at alamin kung anong tamang gawin at hindi tamang gawin sa lahat ng bagay.

Pagpapahalaga sa wikang Filipino. Gamitin ang sariling wika. Hindi masamang gumamit ng ibang wika ngunit dapat alam mong pahalagahan at mahalin ang iyong kinalakihang wika.

Tangkilikin ang sariling produkto ng bansa. Bumili sa mga proukto ng bansa at huwag masyadong nakaabang sa mga imported na produkto. Sa halip, tulungan ang mga produkto ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbili.

Pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa. Dapat alamin ang nakakabuti at hindi nakakabuti sa mga likas na yaman ng bansa. Gamitin lamang ang nararapat at huwag sayangin ang mga ito