Sagot :
Answer:
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Lente ng mga Pelikulang
Hapones: Ang Pacifist Anime Bilang Gunita at Daluyan ng Kultura,
Kalinangan, at Kasaysayan
Maria Margarita Mercado Baguisi1,*
1 De La Salle University
Abstract: Nagsisilbing mayamang-batis kultural ang mga pelikula upang masuri ang kasaysayan at
konteksto ng kinalalagyan ng lipunang lumikha nito. Bilang midyum ng alaala, pumapaloob ang
pelikula sa konsepto ng “collective memory” kung saan maaring maging tagapamagitan ito ng
identidad at pangkasaysayan kaalaman ayon sa pag-unawa ng kultural na representasyon nito.
Batay dito, layunin ng papel ang suriin ang naging perspektiba ng mga Hapones sa Ikalawang
Digmaang Pandaigidig (World War II) batay sa tatlong mga piling pelikulang historikal na
pinamagatang, “The Grave of the Fireflies” (1988), “The Wind Rises” (2013), at “In This Corner of the
World” (2016). Sa tulong ng mga nasabing pelikula, inaasahang matutunton ang mga naging
karanasan at kasaysayan ng mga Hapones sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig at kasama na rito
ang naging pagkilala sa identidad sa bansang Hapon matapos ang digmaan (Postwar Japan). Mula
sa pag-aaral nagkaroon ng pagpopook sa diskurso ng alaala bilang kasaysayan at ang mga
karagdagang implikasyon nito. Itinatawid din mula rito ang pagsulong ng progresibong kamalayang
nakatuon sa pagpupunyagi ng mga Hapon para sa kapayapaan sa kabila ng dagok ng karahasan
dulot ng digmaan. Sa kabila nito, inimumungkahi ng papel bagama’t ang mga pelikula ay nagsilbing
daluyan ng pilosopiyang pangkapayapaan, hindi ito itinuturing angkop na pamamaraan sa
pagpataw nito ng kaalamang historikal dahil masalimuot ang paggamit ng kolektibong alaala sa
paglahad ng kasaysayan.
Key Words: Ikalawang Digmaang Pandaigdig; Pelikulang Hapones; Pacifism;
Explanation:hope it helps