Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Ano ang naging isang malaking hamon ng pamahalaang Komonwelt? A. kawalan ng hanapbuhay C. kawalan ng mapapasyalan B.marami ang namamatay D. walang nagugutom 2. Bakit naging isang hamon ang kawalan ng hanapbuhay? A. Marami ang mga manggagawa. B. Kakulangan ng puhunang pangtustos. C. Walang mga impraestrukturang magamit D. Marami ang gustong kumuha ng pagkain. 3. Bakit naghirap ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan? A. Umaasa sa ayuda ng gobyerno. B. Minamaliit ang kakayahan ng mga Pilipino C. Kinaugalian ng mga Pilipino ang manana habit. D. Nawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipino. 4. Alin sa mga sumusunod na probisyon ng kasunduang base militar ang hindi nakabubuti para sa mga Pilipino? A. Tatagal ang kasunduang ito sa loob ng 99 taon at maaaring palawigin ang taon. B. Ito ang nagbigay-daan sa pag-ayon ng dalawang panig na magtulungan at pangalagaan ang katiwasayan ng kanilang teritoryo. C. Maaaring patawan ng buwis sa sahod ang mga Amerikanong sundalo at empleyado na naglilingkod sa mga base militar D. Ipinagbabawal na gamitin o daanan ng mga Amerikano ang mga daungan sa pagitan ng mga base militar sa buong kapuluan. 5. Bakit kailangan nating pahalagahan ang kasunduang base militar ng mga Amerikano sa Pilipinas? A. Nagkaroon ng pantay na karapatang tinatamasa ang mga Pilipino B. Naisaayos ang mga taniman at sakahan at muling napakinabangan C. Nalutas ang suliranin sa salapi dulot ng pananakop ng mga Hapones D. Nakapagbibigay sila ng proteksyon laban sa ibang mananakop at nakakatulong ito upang sanaying ang sundalong Pilipino. 6. Sino ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas na may napakalaking hamon sa paglutas sa mga suliranin ng bansa dulot ng digmaan? A. Manuel Quezon C. Manuel Roxas B. Elpidio Quirino D. Ramon Magsaysay 7. Ito ay kasunduan na nagbibigay karapatan sa United States sa pagtotroso, pagpapaunlad ng lahat ng lupang arikultural at likas na yaman ng Pilipinas. A. Parity Rights C. Batas sa Base Militar B. Bell Trade Act D. Batas sa Rehabilitasyon 8. Ang pangunahing suliraning pangkapayapaan ng administrasyong Roxas maliban sa isa: A. Suliranin sa Hukbalahap B. Mababang moralidad ng lipunan dahil sa natutunan sa panahon ng Hapon C. Kawalan ng katiwasayan dahil sa pananatili ng mga Huk sa lalawigan. D. Paglaganap ng terorismo sa bansa 9. Alin sa mga sumusunod ang suliraning nalutas sa panahon ni Pangulong Elpidio Quirino? A. Pagpapasuko sa mga Hukbalahap B. Reporma sa Lupa C. Suliranin sa kabuhayan D. lahat ng nabanggit 10. Nilagdaan ni Pangulong Roxas ang mga batas at kasunduan na tuwirang may malaking kapakinabangan sa United States ngunit ito ay hindi naging makatwiran para sa bansa. Anu-ano ang mga ito? A. Military Base Agreement C. Bell Trade Act B. Parity Rights D. Lahat ng nabanggit 11. Bakit tinawag na "Idolo ng Masa" si pangulong Magsaysay? A. Ang kanyang mga programa ay nakatuon sa pangmasa. B. Sinimulan niya ang Austerity Program C. Dahil sa kanyang programang Pilipino Muna D. Pinangunahan niya ang Reporma sa Lupa 12. Sino ang naging pangulo ng bansa kung saan ang kanyang programa ay nakabatay sa pagtitipid ng pamahalaan? A. Diosdado Macapagal B. Ferdinand B. Marcos C. Carlos P. Garcia D. Ramon Magsaysay 13.ay mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at United States sa panahon ng pamamahala ni Garcia. Anu-ano ang mga ito? A. Di-makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga manggagawang Pilipino sa mga base-military B. Di-pantay na paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong nagkasala sa loob ng base C. Pagbibintang na nagnanakaw ang mga Pilipino sa mga base. D. Lahat ng nabanggit 14. Siya ang namuno sa pagkakatatag ng MAPHILINDO: A. Ferdinand Marcos B. Carlos P. Garcia C. Elpidio Quirino D. Diosdado Macapagal 15. Taong 1971, nagkaroon ng pagbabago sa pama halaan dahil pinamunuan ni Pangulong Marcos ang bansa sa ilalim ng A. Batas Militar B. Demokratikong Pamahalaan C. Komunismo D. Pederalismo