PAGTATAYA Isulat ang Tama kung ang pangungusap tungkol sa aralin sa paglikha ng kalendaryo at portfolio ay tama at Mali kung hindi. 1. Napaka laking tulong ang magagawa ng kalendaryo at portfolio sa mga mag-aaral sa paraan ng kasinupan at kaayusan. 2. Maraming benispisyo ang maaring idulot nito, gaya ng pagiging masinop, responsible at organisado sa ibat-ibang bagay. 3. Ang portfolio ay sisidlan ng mga papel na maaaring paglagyan ng iyong mga likhang sining. 4. Hindi ito maaaring gawing dekorasyon at isabit sa dingding ng tahanan o di kaya'y sa loob ng silid- aralan. 5. Maaari itong gawing pang regalo sa iyong malapit na kaanak o kaibigan.