Competency; Discusses new printmaking technique using a sheet of thin rubber (used for soles of shoes), linoleum, or any soft wood that can be carved or gouged to create different lines and textures. A.Isulat ang WASTO kung ang pangungusap ay tama at DI WASTO kung mali. 1. Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. sa 2. Ang paglilimbag ay gawaing ginagamitan ng pako at martilyo. 3. Maaaring gumamit ng mga patapong bagay na makikita sa paligid tulad ng linoleum, softwood at rubber sa paglilimbag. 4. Ang elemento ng kulay ang nagbibigay buhay at nagpapaganda sa likhang sining na paglilimbag, 5. Hindi na kailangang gumamit ng imahinasyon sa paggawa ng mga likhang sining. B.Isaayos ang proseso ng paglilimbag. Isulat ang A,B,C,D at E. 6. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin ang inyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng pag-iwan ng bakas. 7. Kung ang gagamitin naman ay softwood, umukit ng magandang larawan sa malambot na kahoy at pagkatapos ay pintahan at iwanan ang bakas sa malinis na papel. 8. Kulayan ang mga bagay na may bakas na bahagi na ipinadala ng guro at pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ito ay di na gaanong basa ang pagkakapinta o kulay. 9. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas na nasa mga kagamitan. 10. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang paglilimbag na nakalap sa inyong tahanan