Sukatin Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Sa panahon ng pangangasiwa ni Pangulong Macapagal, naghain ng pag- aangkin ang Pilipinas sa anong lupain? A. Sabah B. East Timor C. Spratly Island D. Kalayaan Island 2. Sino ang namuno sa pagkakatatag ng MAPHILINDO. A. Carlos Garcia B. Diosdado Macapagal C. Elpidio Quirino D. Ferdinand Marcos 3. Ang lahat ng ito ay isinagawa ni Pangulong Diosdado Macapagal maliban sa isa. Alin ito? A. Nilagdaan ang Bell Trade Act B. Pinagtibay ang Agricultural Land Reform Code C. Inilipat ang petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo 12 D. Ginamit ang Wikang Pilipino sa mga selyo, pasaporte at iba pang opisyal na komunikasyon 4. Ano ang isinasaad ng Republic Act No. 4166 na pinirmahan ni Pangulong Macapagal noong Agosto 4, 1964? A. Pagpapatanyag ng pagsusuot ng Barong Tagalog B. Nagpatibay sa “Programang Reporma sa Lupa" ni Pang, Macapagal C. Pagdiriwang araw ng Kalayaan ng Pilipinas tuwing Hunyo 12 D. Pamimigay sa mga walang lupa ng lupang pag-aari ng pamahalaan