Sagot :
Paano ko nga ba maipapakita sa kapwa ko pilipino o dayuhan ang yaman ng aking kultura kung ako ay isang t'boli?
Kung ako ay isang T,boli ipagmamalaki ko sa aking kapwa Pilipino at mga dayuhan ang yaman ng aming kultura sa pamamagitan ng pag anyaya sa kanila sa aming tribo upang pakinggang ang aming mga katutubong awitin at mga katutubong sayaw na nagpapakita ng aming pasasalamat at pag respito sa aming pinaniniwalaang bathala.
Ipagmamalaki ko rin an gaming mga kasuotan sapagkat ang telang ginamit dito ay makukulay at sarili naming gawa, sapagkat kilala kaming mga T,Boli sa pagsusuot ng mga makukulay at ibat-ibang palamuti sa aming katawan.
Ipakikita ko rin sa mga dayuhan at kapwa ko Pilipino ang mga tato sa aming katawan, hindi lamang ito basta tato na palamuti sa aming katawan, bawat parte at disenyo nito ay may nakatagong kahulugan.
Ipatitikim ko rin sa kanila ang mga pagkain na sarili naming luto at mula sa lupang aming taniman. Ipakikilala ko rin sa kanila ang aming ibat-ibang produkto.
Ipagmamalaki ko rin sa mga dayuhan na sa kabila ng aming pagiging T,Boli ay mayroon kaming pagpapahalaga sa kalikasan salat man kami sa pinag aralan kaya naming protektahan ang kagubatan sa sinauna at sarili naming pamamaraan.
Ang pangkat ng mga T,Boli ay mayroong mayabang kultura ang kanilang ikinabubuhay ay pagsasaka, pagtatanim ng ibat-ibang halaman ang pinagkukunan nila ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Kgal Bengkas ang tawag sa kasutan ng mga babaeng Tboli Kgal Saro naman ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking T,Boli.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Saan nakatira ang mga t boli brainly.ph/question/1719485
Ano ang pangunahing kabuhayan ng T boli brainly.ph/question/406915
ano ang ibig sa bihin nang t boli brainly.ph/question/2083897
Pa brainliest