Karagdagang Gawain Gawain: Aksyon-Reaksyon Matapos ang aralin, ilapat ang natutunan Information Dissemination Drive o Seminar. Isipin na mamumuno ka sa page sa pamamagitan ng isang organisa ng isang seminar kung saan itataguyod mo ang pagkakapantay-pantay ng. kasarian. Ang magiging audience o tagapakinig ang iyong mga ka-barangay. Kumpletuhin ang mga hinihingi ng bawat bilang, ito ang magsisilbing proposal o panukala sa iyong Information Dissemination Drive o Seminar. Mahalaga ang proposal dahil ito rin ang magsisilbing plano o gabay sa inyong proyekto. PAMAGAT: Ano ang akmang pamagat o tema ng iyong panukala. Halimbawa: "Bukas na Pananaw sa Kasarian tungo sa Tunay na Pagkakapantay-pantay" I. INTRODUKSYON: Bakit dapat isulong ang tunay na pagkakapantay- pantay ng kasarian? Tungkol saan ang nilalaman ng iyong panukala? Bakit ito ang napili mong gawin, panukala? Gaano ito kahalaga para sa iyo at sa lipunang ginagalawan mo? III. LAYUNIN: Isulat dito ang gusto mong maaabot sa pagbuo ng inyong information drive. Ito ay magsisilbing gabay kung ano ang bibigyan mo nang pansin sa pagbuo ng iyong panukala. Maglista ng tatlong layunin. MGA TOPIKO: Ilista ang mga paksa na tatalakayin tungo sa pagtaguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Bakit ito ang mga binigyan mo nang pansin? (Balangkas o outline lamang, magbigay ng tatlong paksa. IV. V. INAASAHANG KINALABASAN (OUTCOME): Isulat ang nakikita mong resulta kung laging naidaraos ang information dissemination drive tungkol sa isyung ito.