Sagot :
Answer:
Mas naging napadali ang paglalakbay ng mga Europeo sa iba't ibang bahagi ng mundo dahil sa pag-unlad ng mga imbensyon at teknolohiya sa paglalakbay sa malawak na karagatan. Dahil rito, nagkaroon ng ikalawang yugto ang imperyalismo at kolonisasyon. Narito ang ilan sa mga naging epekto nito:
.Halos malaking bahagi ng mga bansa mula sa kontinente ng Timog Amerika, Aprika, at Asya ang nasakop na ng mga Europeo sa ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon.
• Naganap ang mga komperensya sa pagitan ng mga bansa sa Europa upang maiwasan ang kanilang digmaan sa paghahatian ng mga bansang nasakop.
• Nagkaroon ng iba't ibang uri ng sistema sa pananakop ng mga bansa.