👤

GAWAIN 2 -
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang kung paano ginamit ang mga salitang nakadiin ayon sa pagpapakahulugan nito. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Nalampasan ni Sarah ang [bundok] nang dinggin ng Panginoon ang kanyang panalangin.
A. problema
B. uri ng yamang lupa

2. Si Ana ay nagtapos na may pinakamataas na karangalan. Nanggaling kasi sa matalinong
[puno.]
A. magulang o angkan B. halamang lumalaki nang mataas

3. Malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng [puno] sa ating kalikasan.
A. magulang/angkan B. halamang lumalaki nang mataas

4. Maraming magagandang [bulaklak] sa bakuran nina Gng. Chavez.
A. babae/dilag
B. bahagi ng ng isang halaman na karaniwang makulay

5. Binigay ni Jose ang [litrato ng puso] bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal.
A. nagpapakita ng larawan ng puso
B. simbolo ng pagmamahal at pag-ibig

6. Dahil sa labis na hirap sa buhay ay naging [bato] na ang puso niya.
A. manhid na
B. uri ng matigas na mineral

7. Kahit [bata] pa lamang ay ipinakita niyang marami na siyang alam sa buhay.
A. musmos
B. nobya

8. Isang [malaking ahas] ang nakita sa bakuran ng mag-asawang matanda dahilan para labis na mag-alala ang kanilang mga kapitbahay.
A. uri ng reptilya, makamandag
B. isang taong traydor o sinisiraan ka ng patalikod

9. Nadapa si Eos dahil sa [malaking bato] dahilan para masugatan ang kanyang tuhod.
A. manhid na
B. uri ng matigas na mineral

10. Ikinasal ang aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang [bata] na si Sarah Geronimo.
A. nobya
B. musmos