👤

1.Magbigay ng limang (5) magkasingkahulugan na salita at gamitin ito sa pangungusap.
2.Magbigay ng limang (5) magkasalungat na salita at gamitin ito sa pangungusap.​


Sagot :

Answer:

1. mabango at mahalimuyak - mahalimuyak ang mga damit dahil nababad ito sa mabangong sabon.

2. mataas at matayog - kumuha ako ng mataas na hagdan upang maabot ko ang tuktok ng matayog na puno.

3. magaling at matalino - magaling si Isko sa Math kaya napabilang siya sa mga matatalinong estudyante ng math.

4. malinis at maaliwalas - ang malinis na kapaligiran ay maaliwalas sa mata kung titignan.

5. mabilis at matulin - mabilis na pinatakbo ng drayber ang motor kaya matulin akong tumabi sa daan.

1. maliwanag at madilim - Madilim sa loob ng kweba ngunit ang lampara ang siyang nagbibigay liwanag.

2. malaki at maliit - malaki ang aming bahay ngunit maliit lamang ang aming gastusin.

3. mataas at mababa - mataas ang bundok ngunit mababa ang tyansa nitong gumuho.

4. mabilis at mabagal - mabilis ang takbo ng sasakyan ngunit mabagal ang takbo ng oras.

5. malamig at mainit - sa mainit na panahon, uminom ng malamig na tubig.