👤

tukuyin at uriin ang mga sumusunod na salitang may salungguhit kung KONOTASYON o DENOTASYON.

1.Ang bahay na marmol sa gitna ng kagubatan ay puspos ng KALUNGKUTAN.

2."Ngayong wala na ang pamilya ko,PARANG WALA NA RIN AKO SA MUNDONG ITO."

3.Ang PAGBUO NG ISANG PAMILYA na ginawa ng aking asawa ay isang mahirap na paghakbang para sa aking mga anak.

4.Kahit pa SANDAMAKMAK ang hawak nating pera,wala pa ring makakapantay sa ligayang dulot ng buo at nagmamahalang pamilya.

5.Mas nanaisin ko pang manirahan sa isang kubo na tahanan ng isang masayang pamilya kaysa BAHAY NA MARMOL na pinanahanan ng taong maramot at mapagmata.

6.Habang nag-uusap ang pamilya,sila ay nakatanaw sa mga BITUIN.

7.Isang KIBIT-BALIKAT ang isinagot ng amang si Rodel nang tinanong ng dalawang bata kung sino ang nagmamay-ari ng bahay na marmol.

8.MAGARA ang bahay na marmol.Kompleto ang mga bahagi nito.

9.NAG-ALINLANGAN ang dalawang bata kung kikibuin si Douglas,ngunit dahil likas sa mabubuting bata,nagbigay-galang sila sa matanda.

10.Nagkukunwaring MASUNGIT si Douglas,ang may-ari ng bahay na marmol sapagkat siya ay malungkot.

(yung mga naka-capslock po yung mga salitang may salungguhit)​


Sagot :

KONOTASYON O DENOTASYON :

KONOTASYON :

  • KALUNGKUTAN
  • WALA NA RIN AKO SA MUNDONG ITO
  • SANDAMAKMAK
  • KIBIT-BALIKAT

DENOTASYON

  • PAGBUO NG ISANG PAMILYA
  • BAHAY NA MARMOL
  • BITUIN
  • MAGARA
  • NAG-ALINLANGAN
  • MASUNGIT

❄️