Isulat sa bawat bilang ang ginamit na panghalip pamatlig at tukuyin ang uri nito.
Halimbawa:
Ganito ang gawin mong proyekto. (Ganito, Patulad)
1.Bumili ka niyan para sa iyong mga kaibigan.
2.Narito ang mga dapat ninyong tandaan upang makasali sa paligsahan.
3.Ganyan ang kaibigan ko!
4.Eto ang bola mo na matagal nang nawawala.
5.Naroon sa may puno ang magagandang bulaklak.
6.Ayan ang nangyari kasi hindi ka sumunod sa panuto.
7.Doon tayo maglalaro.
8.Mahirap ang komunikasyon noon.
9.Bumili ka nito sa bayan.
10.Saan ka nakakuha niyan?
11.Hayan ang nawawala mong laruan.
12.Ere ang katulad ng hinahanap mo na damit.
13.Ganito kami ngayon makipag-komunikasyon.
14.Narito ang puso ko.
15.Diyan ka magpahinga sa salas.