8. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pangunahing isyu ng mga kababaihan sa Sri Lanka? A. Isyu na may kinalaman sa karahasan B. Isyu pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang politikal C. Isyu sa pakikisali sa militarisasyon. D. Isyu sa partisipasyon sa pagsali sa eleksyon. 9. Paano nakatulong ang Mahila Parishad sa mga kababaihan ng Bangladesh? A. Nagbigay-daan sa mga kababaihan tungkol sa karapatan at benepisyo sa trabaho. B. Naging susi sa pagiging malaya ng mga kababaihan sa kanilang paniniwala. C. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na makilahok sa sistemang politikal. D. Naging instrumento sa pagpapatupad ng mga polisiya na naglalayon sa karapatan ng kababaihan. 10. "Habang ang kababaihang Tamil ay nakikipagdigma upang palayain ang kanilang teritoryo, ito ay nangangahulugan din ng pagpapalaya ng kanilang mga sarili sa anumang uri ng opresyon at hindi makatarungang pagkilos na dulot ng lipunan." Ano ang ibig sabihin nito? A. Nararapat lamang na lumaban ang kababaihan upang magkaraoon ng pagbabago sa lipunan B. Ito ay pagkakaaroon ng panibagong direksiyon sa isyu ng kababaihan C. Naging hudyat ito sa pagdiin ng pantay ng karapatan para sa mga kababaihan. D. Pagkakataon ng mga kababaihan na pahalagahan ang ibinigay na pagkakataon.