👤

2. Pagsasanay
A. Isulat ang PU kung ang salitang may salungguhit ay pang-
uri at PA naman kung ito ay Pang-abay. Isulat ito sa
sagutang papel.
1. Madali ang pagsusulit kaya nakapasa kami ng aking
kaibigan.
2. Ang pagsusulit ay madali naming natapos.
3. Matamlay na bumangon si bunso.
4. Tinanong ni inay kung bakit siya matamlay.
5. Ang magkaibigan ay masaya dahil nagkita-kita silang muli.
6. Masayang naghahabulan ang magkaibigan sa palaruan.
7. Sobrang daming nahuli si Mang Nestor sa kanyang
pangingisda.
8. Madaming isda ang kanyang naibenta sa palengke.
9. Tunay na magalang ang mga Pilipino sa mga matatanda.
10. Magalang sila dahil nagmamano sila sa mga nakakatanda
bilang pagbibigay galang sa mga ito.
9​