Sagot :
Answer:
ang sanaysay ay isang uri ng akda na kalimitan ay naglalaman ng kuro-kuro o opinyon ng may akda. ang sanaysay ay may 2 uri, ito ay ang pormal at di pormal.
pormal
ang pormal na sanaysay ay naglalaman ng mga mahahalagang kaisipan na nakaayos ng malinaw at direktang tumutukoy sa paksang tinatalakay. ang mga salitang ginagamit sa uri ng sanaysay na ito ay madalas piling-pili at maingat na sinaliksik.
di-pormal
ang di-pormal na sanaynay ay naglalaman naman ng mga kaisipang hango naman sa personal na karanasan ng may akda at ibinabagay na lamang sa paksang tinutukoy. kadalasan, nahahaluan ang di-pormal na sanaysay ng mga salitang magagaan at nababagay sa mga pangkaraniwang nangyayari sa pang araw-araw.
ang mga tiyak na uri ng sanaysay.
pasalaysay - ang pasalaysay ay ang uri ng paglalahad na may pagkakasunod sunod ng pangyayari. maaring ito ay base sa totoong pangyayari o gawa gawa lamang.
naglalarawan - ito ay ang paraan ng paglalahad ng kilos, pisikal na katangian ng isang bagay, tao o pangalan.
mapagdili-dili - ito ay ang pag-iisip sa mga bagay bagay bago gumawa ng isang desisyon.
kritikal o mapanuri - ito ay ang paraan ng pag-susuri o paglalahad sa isang bagay at binabase sa mga bagay o pangyayari na may batayan.
didaktiko o nangangaral - ito ay ang sanaysay na pumupuna sa mga bagay bagay o isyu na kasalukuyang pinag-uusapan.
nagpapaalala - ito ay ang sanaysay na kalimitan ay naglalaman ng mga impormasyong mahalaga sa bumabasa. kalimitan ay ganitong uri ang gamit ng sangay ng gobyerno upang maghatid ng impormasyong may kinalaman sa kalusugan, krimen at kalamidad na maaring dumating.